Pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo, itinanghal bilang first runner-up sa Miss International 2018 beauty pageant

Itinanghal bilang first runner-up sa Miss International 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo.

Nasungkit naman ni Mariem Velazco ng Venezuela ang titulo matapos siyang koronahan bilang Miss International 2018.

Ayon kay Miss Venezuela, ito ang kaniyang birthday wish na maiuwi ang korona.

Bagamat hindi nakuha ang korona, napahanga naman ni Manalo ang buong mundo sa kaniyang Subanon tribe inspired dress na likha ng mga World renowned Filipino designers.

Itinanghal naman bilang second runner-up si Reabetswe Sechoaro ng South Africa; third runner-up si Bianca Tirsin ng Romania at fourth runner-up si Anabella Castro ng Colombia.

Ginanap ang coronation sa Tokyo Dome city hall sa Japan.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *