Filipino community sa Guam, kalmado pa rin sa gitna ng bantang missile attack ng Nokor

Walang dahilan para ilikas ang mga Pilipinong naninirahan sa Guam.

Ayon kay Philippine Consul General Marciano de Borja, wala pang dapat ipangamba sa planong missile attack ng North KOrea dahil patuloy ang kanilang pagbabantay sa sitwasyon.

Nakausap na rin niya aniya ang Filipino community sa Guam at pinayuhan silang maging mapagmasid sa anumang posibleng mangyari.

Hindi rin aniya nagpakita ng pangamba ang mga business sector at mga residente doon kaya normal pa rin ang kanilang pamumuhay.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *