Findings ng PNP sa Batocabe slay case, tama – Rep. Albee Benitez

Naniniwala si Negros Occidental 3rd District Representative Albee Benitez na tama ang findings ng Philippine National Police na si Daraga Albay mayor Carlwyn Baldo ang utak sa pagpatay kay Ako-Bikol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Sa panayam ng Agila Balita, sinabi ng mambabatas, na napaka-detalyado ng impormasyong ibinigay ng testigo at maituturing na mga first hand information.

Hindi rin masasabing imbento lamang ang mga impormasyon lalu na’t tinukoy pa umano ng testigo ang driver ng motor kung saan sumakay angisa sa gunman.

Malinaw din ang motibo ng mastermind sa pagpatay kay Batocabe dahil parehong re-electionist si Mayor Baldo at ang pinaslang na kongresista sa Daraga, Albay.

“Masyadong detalye, masyadong alam ang specific para sabihin natin na inimbento kaya po medyo naniniwala kami sa findings na ito ng PNP”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *