Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang pagyanig ,  47 kilometro sa timugan ng Governor Generoso, kaninang pasado alas- 6:00 ng umaga.

May lalim na 57 kilometro ang lindol at tectonic.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *