Hindi pagkakasundo ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa usapin ng 2019 proposed national budget, hindi na kailangan pang umabot sa Korte Suprema

Hindi nakikita ng Malacanang na makarating pa sa Korte Suprema ang hindi pagkakasundo ng dalawang kapulungan ng Kongreso tungkol sa 2019 proposed national budget.

Sinabi ni Presidential Spokeaman Salvador Panelo sa gitna nang nakabinbin pa ring pambansang pondo dahil sa isyu ng insertion na gimawa ng kamara.

Ayon kay Panelo totoo na ang Korte Suprema ang itinuturing na final arbiter para maresolba ang alinmang usaping ligal hindi nakikita ng Malakanyanh na idudulog ng upper at lower chamber ang budget issue sa korte suprema

Inihayag ni Panelo kung kaya namang resolbahin ng mga senador at kongresista ang problema ng hindi pagkakasundo bakit pupunta pa ng Supreme Court.

Namagitan na si Pangulong Duterte sa dalawang kapulungan kung saan inihayah ng chief executive na lalagda lamang siya sa proposed national budget kung pipirma dito si Senate President Tito sotto na nanindigang dapat alisin ang insertion na ginawa nh mababang kapulungan ng kongreso.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *