Ika-158 kaarawan ni Gat.Jose Rizal ipinagdiriwang sa Calamba City, Laguna…..Senator Cynthia Villar panauhing pandangal sa pagdiriwang.

June 19 1861 ipinanganak ang ating Pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal sa syudad ng Calamba lalawigan ng Laguna, sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang kanyang ika-isandaan at limampu’t walong kaarawan sa pamamagitan ng isang programa na isinagawa sa replika ng kanyang tahanan na matatagpuan sa nasabing syudad.

Pinasimulan ang programa sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ng ating Pambansang bayani ng mga gov’t official & employee at mga NGO’s

Panauhing pandangal si Senator Cynthia Villar na syang nanguna sa nasabing okasyon, pinanumpa rin ng senador ang mga nanalong lokal officials sa syudad ng Calamba noong nakaraang eleksyon.

Meron fluvial parade na lalahukan ng 54 na baranggay na nagsisimbulo ng kabayanihan ng ating Pambansang bayani para maging idolo ng mga kabataan sa kanyang katalinuhan at kabayanihan para sa ating bayan.

Ulat ni Ronaldo Duran

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *