Ilang lugar sa Pasay, Caloocan at Navotas City, mawawalan ng suplay ng tubig

Maaapektuhan ng water service interruption ang ilang lugar sa Pasay, Caloocan at Navotas City simula mamayang gabi hanggang bukas, Pebrero 24.

Sa abiso ng Maynilad Water services Inc., sa Pasay City, magkakaroon ng water interruption mula alas-11:00 ng gabi ng Biyernes hanggang alas-4:00 ng umaga ng Sabado.

Apektado ng interruption ang Mall of Asia o MOA.

Sa Caloocan naman, mula alas-11:00 ng gabi ng Biyernes hanggang alas-3:00 ng umaga ng Sabado ang interruption at apektado ang Barangay 92, 96, 97, 98 at 100.

Simula naman alas-10:30 ng gabi hanggang alas-3:30 ng Sabado ang interruption sa Navotas at ang apektado ay ang Barangay Northbay boulevard.

Pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng kakailanganing tubig.

 

===========

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *