Instagram, Facebook at Messenger outage, ramdam sa iba’t-ibang bansa

Isang outage o technical difficulty ang nararanasan ng mga users ng social media sites na Facebook, Messenger at Instagram sa iba’t ibang bahagi ng mundo  ngayong umaga.

Ilan sa naranasan ng mga users ay problema sa pag log in sa kanilang account, hindi makapag-post, makapag-komento, picture at video post at share.

Maraming users ang nakaranas din ng mensahe na nagsabing kasalukuyang “down for maintenance” ang naturang social media sites.

Ayon naman sa Facebook, alam nila ang nararanasang problema ng kanilang accounts users at nireresolba na nila umano ang problema.

Hanggang sa mga oras na ito ay wala namang pahayag ukol sa dahilan ng naturang outage na naranasan ng mga users sa Estados Unidos, Europe at Asia.

Nag-trending naman ang hashtag #Facebookdown sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.

GSamantalang ang Twitter naman ang naasahang social media sa paghahatid ng mabilis na impormasyon ng mga tao.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *