Isa sa mga notoryus na holdaper sa mga bumibiyaheng trak sa R10 sa Tondo, Maynila, arestado

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District Special Mayor’s reaction team ang isa sa itinuturing na notoryus sa panghoholdap ng mga bumibyaheng truck sa sa may Road 10 sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Christopher Dumapi, 28 anyos  residente ng Tondo, Maynila.

Nakuhanan rin ng patalim ang suspek ng mahuli.

Ang suspek ay kasama sa nag-viral na video sa social media na pumasok at kinuha ang ilang gamit ng driver ng  truck habang nakatigil dahil sa trapik.

Aminado naman ang suspek na gumagamit ito ng iligal na droga.

Hinikayat naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang dalawa pang kasama ng suspek na sumuko na sa mga awtoridad dahil tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *