JBC pinalawig ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa posisyon ng Chief Justice

   

Pinalawig ng Judicial and Bar Council (JBC) ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa posisyon ng Punong mahistrado.

Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra at JBC member Menardo Guevarra, iniurong sa September 2 ang deadline para sa mga aplikante sa pwesto na babakantehin ni Chief Justice Lucas Bersamin.

Ito ay para mahimok anya ang mas maraming aplikante.

Unang itinakda ng JBC ang deadline ng aplikasyon noong August 20.

Tinanggap nina Supreme Court Associate Justices Diosdado Peralta at Estela Perlas -Bernabe ang Automatic nomination sa kanila.

Naghain din ng aplikasyon si SC Associate Justice Andres Reyes Jr.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *