Kumpirmasyon ni DICT Secretary Honasan lumusot na sa Commission on Appointments

Lumusot na sa Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni dating Senador Gringo Honasan bilang kalihim ng Department of Informations and Communications Technology (DICT).

Tumagal lamang ng apat na minuto ang pagsalang ni Honasan na kauna-unahan sa kasaysayan ng CA.

Wala kasing tumutol o humarang sa appointment ni Honasan bilang pagrespeto na dating miyembro ng Kongreso.

Nagpasalamat naman si Honasan sa mga dating kasamahan sa Senado sa mabilis na paglusot sa CA.

Ayon sa kalihim, prayoridad ngayon ng kaniyang tanggapan ang pagbibigay ng mas mabilis at mas murang internet sa publiko  batay sa utos ng Pangulo.

Ito’y para makasabay ang Pilipinas sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng bagong teknolohiya.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *