Larawan ng apat na Persons of Interest sa pagpatay sa empleyado ng DOLE, inilabas na ng MPD

Apat ang suspek na tinitignan ng Manila Police District (MPD) sa pagpatay sa Senior Labor officer ng Department of Labor and Employment na si Helen Dacanay.

Kasabay nito inilabas na rin ng MPD ang larawan ng mga suspek at maging ang CCTV footage ng pananambang kay Dacanay nitong Lunes ng hapon sa Maynila.

Batay sa kuha ng CCTV, makikita ang dalawang lalaking  nakasumbrero na naglalakad mula sa kabilang side ng kalsada.

Pagtawid ay naglakad ang dalawang lalaki patungo sa paparating na sasakyan at bigla itong pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril agad na tumakbo palayo ang dalawang lalaki.

Bagamat nadala pa sa ospital si Dacanay ay naideklara rin itong dead on arrival ng mga doktor habang nakaligtas naman ang kasama nitong si Atty. Agata Ann Daquigan.

Bago ito ayon sa MPD ang isang kasama ng mga suspek na nagsilbing spotter ay nagmatyag sa labas ng opisina ng DOLE Manila sa Malvar street para abangan ang paglabas ng biktima.

Kung pagbabatayan ang mga nakalap na footage ng MPD, may dalawang oras din umanong nagmanman ang spotter na ito sa paligid ng DOLE habang naghihintay na lumabas si Dacanay.

Habang ang isa pang suspek ay rider naman na syang gumamit ng getaway vehicle na iniwan ng gunmen.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *