Limang DOT Officials, nagbitiw na sa puwesto

 

Limang opisyal ng Department of Tourism o DOT  ang nagbitiw sa puwesto kasunod ng pagpasok ni bagong Tourism secretary Bernadette Romulo- Puyat.

Kabilang sa naghain ng kanyang resignation si Asistant Secretary Ricky Alegre.

Sinabi naman ni Puyat na mananatili bilang Undersecretary si Benito Bengzon dahil ito ay isang career official at nagserbisyo na sa ahensya sa nakalipas na 33 taon.

Samantala, kinumpirma ng kalihim na nagkausap na sila ni Tourism Ppromotions Board head Cesar Montano kaugnay sa 80 milyong pisong halaga ng Buhay Carinderia project ngunit hindi na inilabas ang resulta ng kanilang naging meeting.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *