Mahigit 1000 exotic na pagong nakumpiska ng BOC sa NAIA

Kabuuang 1,529 na buhay na exotic na pagong ang nakumpisla ng Bureau of Customs sa NAIA Terminal 2.

Nai-turn over na ng BOC sa Department of Environment and Natural Resources-Wildlife Traffic Monitoring Unit ang mga exotic turtles.

Kabilang sa mga nasabat ay ang Star Tortoise, Redfoot Tortoise, Sulcata Tortoise, at Red-eared Slider.

Natagpuan ang mga pagong sa mga naiwang bagahe ng isang pasahero na mula sa Hong Kong.

Sinabi ng BOC na iligal ang pagkalakal o pagbebenta ng mga wildlife alinsunod sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

May  parusa na hanggang dalawang taong pagkabilanggo at multa na mula 20 thousand pesos hanggang 200,000 pesos ang mga masasangkot sa illegal wildlife trading.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *