Malacañang walang planong bawiin sa mga water concessioners ang kontrol sa water distribution sa Metro Manila

Ibinasura ng Malakanyang ang rekomendasyon ng ilang mambabatas na bawiin na lamang ang kontrol ng water distribution sa Metro Manila mula sa mga water concessioners na Maynilad at Manila Water.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kayang resolbahin ang lumitaw na problema.

Ayon kay Panelo tanging ang Manila Water ang may problema sa water distribution sa kanilang mga consumers.

Inihayag ni Panelo batay sa tinatakbo ng mga pangyayari nagkaroon ng kapalpakan sa water distribution ang Manila Water at ito ay ginagawan naman ng solusyon at katunayan umabot na sa 90 percent ang restoration ng supply ng tubig sa nasasakupan ng Manila water.

Idinagdag ni Panelo na ipinatawag ni Pangulong Duterte sa Malakanyang ang mga opisyal ng Metropolitan Water and Sewerage System o MWSS kasama ang Maynilad at Manila water para personal na alamin ang problema sa supply ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan maliban sa imbestigasyong isinasagawa ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Maguginitang pumasok ang gobyerno sa concession agreement sa dalawang water concessioners na Maynilad at Manila Water para umayos ang water distribution sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ulat ni Vic Somintac 
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *