Malacanang,umapela sa mga kandidato na sumunod sa batas sa pangangampanya

Nanawagan ang Malakanyang sa lahat ng mga kumakandidato para sa May 13 midterm elections na sundin ang batas.

Ginawa ng Malakanyang ang apela kasunod ng opisyal na pagsisimula ng kampanya para sa Senado at Partylist Representatives.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hangad ng Malakanyang na magkaroon ng malinis at patas na halalan sa Mayo.

Ayon kay Panelo ang mahalaga ay manaig ang boses ng sambayanan sa pamamagitan ng balota.

Inihayag ni Panelo sinuman ang manalo sa election administrasyon o oposisyon dapat itong igalang.

Ipinaalala ng Malakanyang sa mga kandidato ang dos and donts na nakasaad sa Omnibus Election Code.

Ulatl ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *