Malakanyang, nagpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa paglubog ng pampasaherong bangka sa Iloilo at Guimaras strait

Ipinaabot ng Malakanyang ang pakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa magkakasunod na paglubog ng pampasaherong bangka sa karagatang sakop ng lalawigan ng Iloilo at Guimaras.

Sa briefing sa Malakanyang ipinaabot ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng trahedya sa karagatan.

Sinabi ni Panelo na posibleng dalawin ni Pangulong Duterte ang mga pamilya ng mga namatay at survivors. Batay sa pinakahuling report ng Philippine Coast Guard umabot na sa 31 ang namatay .

Magkakasunod na lumubog ang tatlong pampasaherong bangka sa Iloilo Guimaras Strait noong weekend sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan dulot ng habagat na pinalala ng bagyong Hanna na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *