Mar Roxas, talo na naman sa eleksyon

Sa ikatlong pagkakataon natalo na namam sa eleksyon si opposition senatoriable Mar Roxas.

Sa huling resulta ng canvassing ng Comelec nasa ika labing anim na pwesto si Roxas na may 9,427,966 na boto.

Hindi pumasok si Roxas kahit pa isa ito sa mga itinuturing na pinaka malaking nagastos sa political advertisement batay sa report ng PCIJ.

 Si Roxas ay natalo na rin noong 2010 nang tumakbo itong runningmate ni dating Pangulong Benigno Aquino.

 Nakalaban nya noon sa pwesto si dating Vice President Jejomar Binay.

Natalo rin ito laban kay Pangulong Rodrrigo Duterte nang kumandidatong pangulo noong 2016.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *