Maraming flights kanselado pa rin kahit balik operasyon na ang Clark International Airport

Maraming flights pa rin ang kanselado kahit pa balik na sa normal ang operasyon ng Clark International Airport.

Katunayan sa abiso ng Philippine Airlines (PAL), kanselado pa rin ang kanilang mga flights paalis at pabalik ng Clark.

Bukas pa o April 25 ibabalik ang mga flights sa Clark na nakansela dulot ng magnitude 6.1 na lindol. noong Lunes.

Kanselado rin ang mga lahat ng biyahe ng Cebu Pacific paalis at pabalik ng Clark pero walang ini-anunsyo kung kailan ito magre-resume.

Sa halip pinapayuhan ang pasaherong naapektuhan na magpa- rebook ng ticket at tumawag sa Airline companies.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *