Maria Ressa ng Rappler, pinapalaki lamang ang isyu – Malakanyang

Binuweltahan ng Malakanyang ang mga bumabatikos sa administrasyon matapos ang ginawang pag aresto ng National Bureau of Investigation o NBI kay Maria Ressa ng Rappler dahil sa kasong cyberlibel.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kung tutuusin mistulang nag- eenjoy naman si Ressa sa popularidad na nakukuha nito.

Sinabi ni Panelo kung titignan ang mga video footage palaging nakangiti si Ressa. Inihayag ni Panelo hindi rin naman nakakulong si Ressa dahil nasa kuwarto lamang siya ng NBI nang arestuhin.

Iginiit ni Panelo na pinapalaki lamang ni Ressa ang maliit na bagay.

Idinagdag ni Panelo maituturing pa na badge of honor kapag nakasuhan ng libel ang isang mamahayag dahil ibig sabihin ay magaling ito.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *