May-ari ng Wellmed Dialysis Center na si Brian Sy, inaresto na ng NBI

Inaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng Wellmed Dialysis Center na si Brian Sy na itinuturong nasa likod ng ghost dialysis scam.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hawak na ng NBI si Sy at mananatili sa kustodiya ng ahensya hanggang sa maisalang sa inquest proceedings.

Ayon pa sa NBI, ito ay para sa reklamong estafa, falsification of public documents at mga paglabag sa Philhealth law.

Nakitaan ng NBI ng sapat na basehan ang mga hawak nilang ebidensya laban kay Sy.

Posibleng sa Martes ay maisailalim sa inquest proceedings sa DOJ si Sy.

Lumutang sa NBI ngayong Lunes si Sy kasama ang kanyang abogado matapos ipasubpoena.

Una nang sinabi ng abogado nito na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *