Mayor Isko Moreno, nag-alok ng 1 milyong pisong reward sa makapagtuturo sa suspek sa panloloob SA Metrobank

Nag-alok na ng isang milyong pisong reward si Mayor Isko Moreno para sa ikadarakip ng mga suspek sa panloloob sa Metrobank, Sto. Cristo, CM Recto branch sa Binondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD) Station 11, bandang alas-8:40 ng umaga nangyari ang panloloob kung saan pitong suspects umano ang nanloob sa bangko.

Ipinasok umano ang mga tao at empleyado sa isang kuwarto pero wala namang nasawi o nasaktan.

Kabubukas lang umano ng bangko ng mangyari ang panloloob.

Nagsasagawa na ng operasyon ang mga tauhan ng MPD para sa ikadarakip ng mga suspek.

Umapila naman si Mayor Isko sa publiko na tumulong para sa ikadarakip ng mga suspek.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *