Mayor Isko Moreno nagcourtesy call kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim

Nag-courtesy call si Manila Mayor Isko Moreno kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Positibo naman ang pagkikita ng dalawa at pinuri pa ni Kim si Moreno dahil sa mga isinusulong nitong pagbabago sa lungsod ng Maynila.

Isa rito ang anti-illegal drugs campaign ni Moreno habang isinasaalang- alang ang karapatang pantao.

Ipinagmalaki rin ni kim na si Moreno ay produkto ng international visitors leadership program ng US State Department noong 2011.

Sa nasabing pulong nina Kim at Moreno ay inilatag ng alkalde ang mga polisiya at plano nito para sa Maynila.

Ayon sa alkalde, maraming dapat ayusin sa Maynila.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *