20 Road section, sarado sa mga motorista dahil sa epekto ng bagyong Usman

Hindi madaraanan ng anumang uri ng sasakyan ang 20 kalsada sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa pinsalang dala ng bagyong Usman.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, 16 sa mga saradong kalsada ay sa Region 5, dalawa sa Region 6 at dalawa sa Region 8.

Sarado ang 20 road sections dahil sa mga pagbaha, sirang detour road at bridge approach at mga landslides sa lugar.

Kabilang sa mga ito ay ang Daang Maharlika Nabua Section, bahagi ng Albay West Coast, at Libon-Bacolod San Vicente Buga Road sa Region 5; Iloilo-Capiz Road sa Region 6 at Calbayog-Catarman Road sa Region 8.

Pinapayuhan ng DPWH ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Patuloy naman ang clearing operations ng mga tauhan ng DPWH sa mga apektadong kalsada.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *