Bangsamoro Organic Law isa sa magiging highlight ng ikatlong SONA ni Pangulong Duterte – Malakanyang

 

Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Organic law bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA kasabay ng joint session ng Kamara at Senado sa Batasan complex.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na ang Bangsamoro organic law ang magbibigay daan para sa inaasam na kapayapaan sa Mindanao na nasa ilalim ng Muslim rebellion sa loob ng ilang dekada.

 Ayon kay Secretary Go abangan na lang ang laman ng ikatlong SONA ng Pangulo dahil sesentro ito sa mga gagawin ng administrasyon sa mga susunod na nalalabing taon ng termino ni Pangulong Duterte.

Kung hindi mag-aadlib ang Pangulo aabutin lamang ng humigit kumulang na 35 minuto.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *