Dating Presidential spokesman Harry Roque nagpaalam na sa Malacañang Press corps

 Sa huling pagkakataon ay lumutang pa sa press briefing sa Malakanyang si dating Presidential spokesman Harry Roque.

Si Roque ay dumalo sa regular press briefing sa Malakanyang para pormal na magpaalam matapos ang mahigit anim na buwan bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Roque ay pinalitan ni Chief Presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga personal na schedule ng Pangulo at ang hindi malinaw na posisyon ng kalihim kung tatakbo o hindi sa pagka-Senador sa halalan sa may 2019 mid-term elections.

Sinabi ni Roque na nakausap na niya si Pangulong Duterte at nagpasiya siyang tatakbo sa 2019 elections bilang Partylist representative ng Luntiang at hindi na sa pagka-Senador.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *