Hotel sa Timog Avenue, Quezon City nasunog

Nasunog ang isang hotel sa Timog Avenue, Brgy. Laging Handa, Quezon City kaninang madaling araw.

Agad na inakyat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ikalawang alarma ang sunog sa gusali dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Nakalabas naman lahat ng guest ng hotel at pinasalamatan nito ang mga staff dahil kinatok sila para agad na makalabas ng establisimyento.

Ang pamunuan naman ng hotel ay inilipat sa ibang branch ang kanilang mga guest.

Ayon sa BFP,  posibleng nagmula sa electrical room sa ika-anim na palapag ang apoy.

Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng pinsala sa sunog at kung ano ang naging sanhi nito.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *