Judicial and Bar Council binuksan na ang aplikasyon para sa binakanteng Associate Justice post ni bagong Chief Justice Lucas Bersamin

 

Tumatanggap na ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga aplikasyon at nominasyon sa posisyon ng associate justice ng Korte Suprema na binakante ni bagong Chief Justice Lucas Bersamin.

Sa abiso ng JBC, maaring isumite ang mga aplikasyon o nominasyon lakip ang lahat ng documentary requirements ng hanggang sa Enero a-bente dos ng susunod na taon.

Isang associate justice na lamang ang kulang para makumpleto ang 15 mahistrado ng Supreme Court.

Bukod sa associate justice post, binuksan na rin ng JBC ang aplikasyon para sa mga posisyon ng Legal Education Board Chairperson at LEB Regular Member Representing Integrated Bar of the Philippines na parehong mababakante sa Enero 13.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *