Justin Batocabe, nagpasalamat sa mga tumulong sa kaso ng pagpatay sa kaniyang ama

 

Nagpahayag ng pasasalamat si Justin Batocabe sa lahat ng mga tumulong para sa ikadarakip ng mga suspect sa pagpatay sa kaniyang amang si Cong. Rodel Batocabe.

Sa ngayon, pag-uusapan pa aniya ng kanilang pamilya kung sino ang papalit sa kaniyang ama sa mayoral bid.

Pero bukas naman umano ang biyuda ni Cong. Batocabe na si Gertie na tumakbong alkalde sa bayan ng Daraga kapalit ng kaniyang yumaong asawa.

Dahil sa pagkakaresolba ng kaso ng kaniyang ama, sinabi ni Justin na bagamat matatanggap na nila psychologically ang pagkamatay ng kaniyang ama, hindi naman aniya katanggap-tanggap na kailangan pang patayin ang kaniyang ama kapalit ng posisyon ng gobyerno at pera.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *