Pangulong Duterte, dumating na sa Israel

Dumating na sa Israel ang Presidential Plane lulan si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang delegasyon para sa kanyang state visit sa naturang bansa.

Sinalubong ni Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial at iba pang mga opisyal ng Israeli government ang Pangulo sa Ben Gurion International airport sa Tel-Aviv.

Ala-1:32 ng madaling araw, oras sa Pilipinas, nang dumating ang Pangulo sa naturang bansa.

Kkasama ni Pangulong Duterte ang ilang mga opisyal ng pamahalaan at mga magreretiro nang police at military generals.

 Samantala, nakaabang naman sa Ramada hotel ang mga pilipinong sasalubong sa Pangulo.

 Nakatakda kasing makipagkita si Pangulong Duterte sa 1,400 miyembro ng Filipino community doon.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *