Pitong pulis na sangkot sa indiscriminate firing, pinasisibak

Pinasisibak sa puwesto ni Senador Panfilo Lacson ang pitong pulis na naaktuhang nagpaputok ng kanilang baril kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Tinawag ni Lacson na mayayabang at trigger happy ang mga pulis na hindi na aniya isina alang alang ang buhay ng mga taong posible nilang tamaan at mabiktima.

Senador Lacson:

“What if someone got hit and died, or paralyzed? Damn these scumbags! They have no purpose in life, really. give them the boot asap”.

Iginiit ni Lacson na walang lugar sa PNP ang mga abusadong pulis.

Hindi aniya tama ang mga kaso ng pang-aabuso lalu’t tuloy naman ang pagbibigay ng suporta ng gobyerno sa mga otoridad.

Pero ayon sa PNP, nadis-armahan na ang mga pulis at kasalukuyang ini-imbestigahan.

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *