US embassy sarado bukas, June 12

 

 

Sarado bukas, June 12 ang Embahada ng Amerika sa Pilipinas.

Ayon sa abiso ng embahada, sarado sila bukas na  deklaradong regular holiday sa Pilipinas dahil sa paggunita ng Araw ng kalayaan.

Muling magbabalik sa normal ang operasyon ng Embahada sa Miyerkules, June 13 at sa Huwebes, June 14.

Habang sa Biyernes, June 15, wala muling tatanggaping transanksyon sa Embahada dahil holiday muli sa Pilipinas para sa pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.

 

==========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *