Mga bagong talagang opisyal ng DOJ magsisimula na sa kanilang trabaho sa susunod na linggo

Magsisimula na sa kanilang trabaho sa susunod na linggo ang ilan sa bagong talagang undersecretaries at assistant secretary ng DOJ.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa oras na makapanumpa na sa kanilang bagong tungkulin ang mga bagong opisyal ay makapagsisimula na sa kanilang tungkulin sina undersecretaries Markk Perete at Adrian Sugay at assistant secretary Neal Vincent Bainto.

Maaantala naman anya ng kaunti ang pagsisimula ng trabaho ni Usec. Emmeline Aglipay-Villar na sa Agosto pa makakapasok.

Sinabi ni Guevarra na kailangan pang asikasuhin ni Villar ang kanyang iiwang trabaho sa Kamara bilang kinatawan ng Diwa Partylist.

Pinaplantsa naman na ng kalihim ang mga assignment ng mga bagong opisyal.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *