Mga kumpanya ng langis inanunsyo na ang presyo ng ipatutupad na price hike

Nag-anunsyo na ng ipatutupad na oil price increase ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Shell at Seaoil, mayroong dagdag na 35 centavos sa kada litro ng gasolina, 20 centavos sa kada litro ng diesel at 25 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang Petro Gazz naman ay may parehong halaga ng dagdag sa presyo ng gasolina at diesel.

Epektibo ang dagdag presyo bukas,  June 18 , alas 6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ng parehong halaga ng dagdag presyo ang iba pang mga kumpanya.

Ang panibagong oil price increase ay matapos ang tatlong magkakasunod na rollback ng mga kumpanya ng langis.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *