Mga lugar na ilalagay sa control at mga areas of concern, madadagdagan pa – Comelec

Madadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na posibleng isailalim sa pangangasiwa ng Commission on Elections (Comelec)  o ang tinatawag na Comelec control habang papalapit ang kampanya sa local level.

Bukod dito, posible ring dumami pa ang mga lugar na idedeklarang “Areas of Concern” sa buong bansa, depende na rin sa validation na isasagawa ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na may impormasyong nakarating sa kanilang tanggapan na mayroon pang lugar sa bansa na maaaring isailalim sa kontrol ng comelec, ngunit hindi na idinetalye  ang nasabing impormasyon.

Ipinaliwanag nito na ang pagsasailalim sa Comelec control ng isang lugar ay kinakailangang manggaling sa mga local election officer at mga law enforcement agency sa lugar na ipapasa at dedesisyunan ng en banc.

 

=================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *