Mga opisyal ng Philhealth pinagpapaliwanag ni Pangulong Duterte kaugnay ng daang bilyong pisong anumalya sa dialysis treatment

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Philhealth kaugnay ng daang bilyong pisong anomalya sa dialysis treatment.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nais malaman ni Pangulong Duterte ang buong katotohanan sa sinasabing anomalya.

Ayon kay Panelo gagawa ng kaukulang hakbang ang Pangulo kung mapapatunayang nagkaroon ng sabwatan sa mga opisyal ng Philhealth kaya umabot sa daang bilyong piso ang nalustay na pondo sa mga ghost patient o patay ng mga pasyente na binabayaran ang kanilang dialysis treatment.

Inihayag ni Panelo nais ng Pangulo na malinis at mapanagot ang mga personalidad na nasa likod ng nabulgar na anomalya sa dialysis treatment na ginagastusan ng pondo ng Philhealth.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *