Mga Pinoy sa Indonesia, ligtas matapos ang lindol at tsunami


Nananatiling ligtas ang mga Filipino sa Indonesia matapos ang magnitude 7.5 na lindol at tsunami.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kabila ng pagsampa ng bilang ng nasawi sa mahigit 800.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee, bagaman may isang Pinoy ang naapektuhan sa Palu city, Sulawesi island, ligtas naman ito.

Nakapiit aniya ang Pinoy sa Lapas Penitentiary sa hindi pa mabatid na kaso.

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *