Mga Regional Directors ng PAO, nagpakita ng suporta lay PAO Chief Atty. Persida Acosta

Sama-samang humarap sa media ang mga matataas na opisyal ng Public Attorney’s Office (PAO) para ipakita ang suporta kay PAO chief Atty. Persida Acosta na pinaparatangan ng kurapsyon.

Kabilang sa mga ito ang 17 Regional Directors ng Pao na nagtungo sa Maynila para bigyan ng suporta ang liderato ng PAO.

Kinundena ng PAO officials ang anila’y fake news para siraan si Acosta at ang PAO.

Ang isyu ay nag-ugat sa inihaing reklamo sa Office of the Ombudsman ng isang Atty. Wilfredo Garrido na nag-akusa kay Acosta ng pagbulsa ng pondo para sa office supplies na gagmitin sana sa Dengvaxia cases.

Muling itinanggi ni Acosta ang akusasyon laban sa kaniya.

Umapila naman si Acosta kay Garrido na tigilan na sila nito dahil naaabala sila sa kanilang trabaho.

Hinamon din ni Acosta si Garrido na  magdebate sila at patunayan nito ang kanyang akusasyon .

Nanawagan naman si Acosta kay Ombudsman Samuel Martires na resolbahin na agad ang reklamo laban sa kaniya para makatuon na sila sa kanilang trabaho sa PAO.

Sa kaniyang sagot sa reklamo, iginiit ni Acosta na dapat ibasura ang reklamo dahil ito ay peke at layon lamang na i-harrass siya dahil sa kaniyang paglaban sa hustisya sa mga Dengvaxia victims.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *