Kamara tiniyak ang transparency ng budget sa bicam

Magpupulong ngayon ang grupo mula sa Senado at Kamara para ilatag ang rules ng Bicameral Conference sa 2019 national budget.

Inanunsyo ito ni House Appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr. kasunod nang pag-apruba ng Senado sa bersiyon nito ng pambansang pondo.

Sabi ni Andaya, isusulong ng House contingent sa bicam ang full transparency sa budget deliberations, na siya ring gusto ng mga senador.

Naniniwala naman ang mambabatas na magkakasundo ang mga senador at kongresista sa mga amyenda sa pambansang pondo.

Katuwiran nito, pareho naman ang kanilang naisin na mapakinabangan ng mga tao ang pondo at mapondohan ang mga proyektong pakikinabangan ng publiko.

Ulat ni Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *