New year message ni Pangulong Duterte sa sambayanang Filipino, dapat maging positibo


 
Naglabas ng New Year message si Pangulong Rodrigo Duterte para sa sambayanang Filipino.

 Ayon sa mensahe ng Pangulo, dapat harapin ng sambayanan ang 2019 taglay ang positibong pananaw.

Sinabi ng Pangulo kailangang hindi mawalan ng pag-asa sa pagharap sa mga hamon ng buhay ngayong 2019.

Hinikayat ng Pangulo ang sambayanang Filipino na patuloy na tumulong sa pamahalaan sa pagbaka sa ilegal na droga, kriminalidad at korapsyon.

Nnaniniwala ang Pangulo na sa pamamagitan ng wastong pamamalakad sa gobyerno ay makakamit ang inaasam na pagbabago at kaunlaran ng Pilipinas bilang isang bansa.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *