Pagpabor ng Makati RTC sa mosyon ng DOJ, patunay na kinikilala ng hukuman na buhay pa ang kaso laban kay Trillanes ayon sa Justice Secretary Guevarra

Ikinagalak ng DOJ ang pagpabor ng korte sa kanilang mosyon na ipaaresto at pigilang makalabas ng bansa si Senador Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang desisyon ng Makati RTC Branch 150 na magpalabas ng arrest warrant at HDO laban kay Trillanes ay nangangahulugang kinikilala ng hukuman na buhay na buhay ang kaso laban kay Trillanes.

Iginigiit ng kampo ni Trillanes pinal na ang pagkakabasura sa kasong rebelyon kay Trillanes sa Branch 150 dahil sa iginawad ditong amnestiya noon ni dating Pangulong Aquino.

Pero ayon sa DOJ hindi pa pinal ang dismissal ng kaso dahil ito ay walang ligal na batayan matapos na ideklara ni Pangulong Duterte na walang bisa ang amnestiya ni Trillanes.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *