Pagpapatibay ng senado sa 2019 proposed national budget ikinatuwa ng Malacanang

Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi na magtatagal tuluyan ng mapagtitibay ang 2019 proposed national budget na nagkakahalaga ng 3.757 trilyong pesos.

Itoy matapos pagtibayin ng senado ang kanilang bersiyon sa pambansang budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na umaasa ang Malakanyang na agad na maaayos ang hindi pagkakasundo ng bersiyon ng senado at mababang kapulungan ng kongreso sa national budget.

Ayon kay Panelo mahalaga ang 2019 national budget dahil dito nakapaloob ang pondo para sa mga infrastructure projects sa ilalim ng build build build program ng Duterte administration.

Magugunitang naantala ang pagpapatibay ng 2019 national budget dahil atrasado na itong naisumite ng mababang kapulungan ng kongreso ang kanilang bersiyon sa senado kaya nagkaroon ng re-enacted budget ang gobyerno sa pagpasok ng 2019.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *