Pangulong Duterte, nakipagkita sa Filipino community sa Israel

Mainit at masayang sinalubong ng nasa 1,400 mga Filipino sa Israel si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kaniyang delegasyon.

Ang Filipino community meeting ay ginanap sa Ramada hotel sa Jerusalem.

 

Ayon kay Philippine Ambassador to the State of Israel, Nathaniel Imperial, aabot sa 28,000 mga Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Isarael.

 

Bago dumating ang Pangulo sa venue ng meeting, nagsagawa pa ng kaunting programa ang mga OFWs doon.

Binigyang-diin ng Pangulo sa harap ng mga OFWs na handa niyang ibigay ang kaniyang sariling buhay para sa kaligtasan ng mga ito.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *