Seguridad sa pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim, tiniyak

download
courtesy of wikipedia.org

Inilagay sa full alert status ang buong Metro Manila kaugnay sa pagdiriwang ng Ed’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim bukas, Hunyo 26.

Ayon kay National Capital Regional Police office o NCRPO Director Oscar Albayalde, simula ngayong linggo, ipinakalat na ang may dalawang libong mga pulis sa buong Metro Manila lalu na sa mga mosque, simbahan at mga malls.

Nagdeploy na rin aniya ng mga karagdagang puwersa ng pulis sa National Capital Region kasama ang lunsod Quezon at Maynila.

Partikular na naka-alerto ang mga otoridad sa Muslim communities sa NCR lalu na sa Golden Mosque sa Qiuapo at sa Rizal Park upang masiguro ang kaligtasan sa gagawing selebrasyon.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *