Nonito Donaire, bagong WBA Bantamweight champion

Itinanghal bilang bagong Bantamweight champion, si Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

Ito ay matapos niyang talunin ang kaniyang kalaban na si Ryan Burnett na isang Irish.

Sa kanilang boxing match sa Glasgow, United Kingdom, ipinamalas ni Donaire na balik-Bantamweight class na siya makalipas ang pitong taon.

Nagpasalamat naman si Donaire sa  kanyang buong pamilya at sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Samantala, hiling ni Donaire ang paggaling ni Burnett, na nagtamo ng lower back injury habang bumabato ng suntok.

Bunsod ng injury ni Burnett, hindi na nito kinaya ang 5th round at agad siyang isinailalim sa medical treatment.

Dahil sa panalo ni Donaire, umakyat sa 39-5 ang kanyang rekord habang ang naturang laban ang unang career loss ni Burnett, mula sa 20 boxing match nito.

================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *