Northern Samar, ipagdiriwang ang kanilang ika-54 Foundation day sa June 19

Ipagdiriwang ng Northern Samar ang 54th Foundation anniversary sa June 19.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Efren Sabong, June 17 pa lamang ay sisimulan na nila ang mga inihanda nilang week-long program gaya ng Art Exhibit at Trade Fair sa kapitolyo ay Freedom park.

Isa naman sa magiging tampok sa mismong araw ng selebrasyon ay ang oathtaking ng lahat ng mga duly elected officials gaya ng mga alkalde, board members pati na ang mga kongresista sa una at ikalawang distrito at Gobernador.

Mayroon ding job fair na pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Blood letting activities para sa lahat ng mga mamamayan sa lalawigan

Mayroong Job Fair, may Bloodletting kasi kailangan dito sa ating mga ospital, may mga medical mission din na iko-conduct ng ating mga doctors. Iko-cover din pati mga inmates po ng ating provincial jail”.

Atty. Efren Sabong, Northern Samar Administrator
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *