Oathtaking ng mga bagong abogado, gaganapin ngayong araw sa PICC

Nakatakdang manumpa ngayong araw ang mga bagong abogado na nakapasa sa nakaraang 2018 Bar examinations.

Idaraos ang oathtaking sa PICC sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Kabuuang 1,800 bar examinees ang nakapasa sa pagsusulit na katumbas ng 22.07% passing rate.

Nanguna sa bar exams si Sean James Borja ng Ateneo De Manila University na nakakuha ng 89.3060% na grado.

Samantala, magsisimula ang paglagda ng mga  bagong abogado sa Roll of Attorneys sa June 14.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *