Opening ceremony ng Asian games 2018 sa Jakarta, inaabangan na

Nakahanda na si Fil-Am NBA guard Jordan Clarkson bilang flag-bearer ng Philippine Delegation sa inaabangang opening ceremony ng 18th Asian Games mamayang gabi na gaganapin sa Gelora Bungkarno stadium sa Jakarta.

Ang barong na isusuot ni Clarkson na likha ni Randy Ortiz ay gawa sa silk at may disenyong harimanok at araw sa magkabilang dibdib.

Hindi naman makakasama sa opening parade ng Asiad ang ilan sa mga atleta ng Team Pilipinas partikular ang mga Wushu athletes dahil mas pinili nilang magpahinga dahil sa pagod sa biyahe.

Samantala, inaasahang magpapakitang-gilas ang Indonesia sa Opening Ceremony dahil sa pagsisilbing host ng International event.

Magtatanghal rin sa inaugural rites ang mga sikat na singers, mga dancers at orchestra na binubuo ng daan-daang musicians.

Tinataya namang nasa 80,000 katao ang dadalo sa nasabing okasyon na ginaganap isang beses tuwing apat na taon.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *