Oscar Awards magpapatupad ng ilang pagbabago

Nagdesisyon ang organizers ng taunang Oscar Awards na limitahan lamang ng hanggang tatlong oras ang kanilang programa.

Ito ay para hindi lalong bumaba ang  kanilang audience  dahil sa matagal na programa.

Magsisimula ang pagbabago sa Pebrero 2019.

Umabot kasi sa 26.5 million viewers lamang noong march 2018 Oscar awards na siyang pinakamaliit na bilang sa kasaysayan ng 90-anyos na Academy awards.

Ilan sa mga pagbabago ay dinagdagan nila ang bilang ng Best Pictures nominees na mula sa dating lima ay gagawin na lamang nila itong 10.

Isasagawa ang Oscar awards sa Pebrero 24 na gaganapin sa Hollywood.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *