P1 ibinawas sa dagdag singil sa toll ng NLEX

Babawasan ng NLEX Corporation ang nauna nang inanunsyong toll rate hike na epektibo sana bukas, March 20.

Ayon sa NLEX, layon ng lower flat rates na mabawasan ang impact ng toll adjustments sa mga motorista.

Nauna nang inanunsyo ng NLEX ang toll rate hike na P10 kasama ang P6 sa open system.

Dahil sa anunsyo , ang mga motorista na may class 1 vehicles na dadaan sa NLEX ay may additional charge na P9 imbes na p10.

Simula Miyerkules, ang mga ordinaryong kotse na dadaan sa Quezon City, Caloocan City, Valenzuela City, Malabon, Meycauayan, at Marilao sections ay magbabayad na ng p54

Mula sa kasalukuyang rate na p45. ang class 2 vehicles naman o mga bus at maliliit na truck ay may dagdag na P22 hanggang P136.

Ang class 3 vehicles o malalaking trucks at trailers ay magbabayad ng dagdag na P28

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *